Sunday, December 7, 2008
DVD: Divisoria Daydream
When one leaves, one escapes the ruin of self.
The war's sunset appears. Peace now sets in.
Saturday, December 6, 2008
Sa Pananaw ng mga Inglisero: Isang Balagtula
"Ang hindi magmahal sa kanyang sariling wika ay mas masahol pa sa isang malansang isda" - Gat. Jose Rizal
Tugon ng isang Inglisero:
Sa patuloy na pag-ikot ng mundo, ang Ingles ang namumutawi’t nasasaulo. Halos lahat ng posibleng aspeto, ang wikang batayan, sa Ingles nakasalo. Karamihan ng mga nasasaklaw na diskurso, hindi tuwirang matatanto kung ang wika’y sa Filipino. Ang wikang ipinamumulat ay sa mundong nagpasisiwalat. Limitado ang mapaghuhugutan, kung ang sipat ay sa pambansang wika lamang. Kung gustong makita ang kabuuan, ang turo’y sa Ingles nararapat ang basehan. Nararapat na ang salimbibig ay sa pagtinging sambayanan, tungo sa kamunduan, maghuhubog sa madla, lalo na sa kabataan. Ang matinding kadahilanan, sadya nga talaga na ang kabataan ay ang pag-asa ng bayan. Kung mamarapating sabihin, marahan lang na ating angkinin, wika munang hindi atin. Sa tawag ng panahon, marapat itong itaghoy ng bayang naghihikahos para sa minimithing kaliwanagan, kalayaan, kapayapaan.
Ang pagkamit sa mga ito’y nasasarhan ng mga klaseng ang wika’y nilalampastangan. Kung sariling wika ang gagamitin, marami ang yuyurak sa kanyang kariktan dahil sa balarilang napupuno ng kalayaan. Sa wikang Ingles, kahit karamiha’y wakang interes, nabibigyan ng displina ang mga labing napupurol sa tuwi-tuwina. Hinuhulma ng mga gramatikong pamantayan ang mga isipang sa simula’y kinakalawang. Mas tuwiran ang pagpapalawig ng kaalaman, sagad sa laman at buto ang mga nagiging batid na katuwiran. Naisasatama ang mga kamalian sa mga sipat na hindi pa naisasalin ng mga sumusulat, mga manunulat. Ayon nga sa mga dalubhasa, natatamo ang pag-asa ng isang bansa na masawata ang kumpetensiya sa lahat ng sekta sa Ingles na pananalita.
Ang kaunlaran ay pasisinayaan ng mga kabataang makikipagtulungan gamit ang Ingles bilang makinaryang pakikipagtalastasan. Makaaahon ang republikang sa pamumuno’y patapon sa mas edukadong lipunan. Sa pamantayang ipinahihiwatig ng mundong kinagisnan, mainam na may kakayanan ang sambayanan na makipaglaban ng harapan kahit sa pakikipalitan ng salita o talakayan. Kahit na sadyang may kaliitan ang ating bansa, dambuhala naman ang ating katalentaduhan sa pagpapaksa, pakikipagpalitan ng mga kaisipan sa paggawa ng kulturang pangkamunduan.
Batid ng edukasyon sa ganitong pamamaraan, ang kinabukasan ang makapagbabangon sa isipang purol na nagpalalawig sa kahirapan, karukhaan. Maliban sa kasasabi lamang, magsisilbing behikulo ng pagbubuklod ng mga distrito ng bawat kanto sa siyudad ng tao ang pagsasakumbensyunal nito. Kahit ang pagpapasimuno ng panibagong digmaan sa kasalukuyan, ating maiiwasan, malalabanan ng mga katagang makapanlilikha ng bantayog na makapanlalaya sa dilang tanikala.
Monday, December 1, 2008
Awake
So, as we open our eyes, we will be made aware of the multiplicity of the presence of life and of its many forms. We are part of the sphere.
We are now awake.
Wednesday, November 26, 2008
The Frame of Thought: Fast Food Fiction
Sunday, November 16, 2008
Self Speak: A Blog about a Blog
On Leadership: A Discussion using the Mother Tongue
Ang pinuno ay pinuno upang pumuno.
Ngunit, upang tuluyang maging instrumento ng pagbabago ang isa sa kanyang lipunan, kailangan din ng sapat na kaalaman, dahil ang pamumuno ay hindi lamang nagiging obligasyon sa sarili, isa rin itong sining na dapat ipinayayabong at ipinalalawig sa kapwa mamamayan. Mahirap humati, humimay ng teorya, sitwasyon o prinsipyo kung ang isipang patalim ay purol sa bulag na katotohanan. Ang hindi pagsasatama ng nakagisnang mga pagsasaakala o nosyon ay kakalawangin na tulad ng isang poste ng gusali na makadudulot nang pagkabagsak ng ipinundar na tiwala’t karanasan. Ang pagpuno sa isip ang siyang kapangyarihan at susi sa pagpupuno sa lipunan sa pamumuno.
Marahil, kung pagninilayan ang pinakaunang kataga ukol sa pagpupuno, mapaiisip ang ilan sa mala-Atlas na pagdala ng kamunduang problema sa proseso ng pagpupuno. May anggulo ng katotohanan ang pagdala kung ika’y magpadadala sa agos ng panahon na walang pinatutunguhang pagbabago batid ng kawalan ng pag-asa o pagtiwala sa lipunan. Ngunit, kung titignan ng pinuno ang maiaambag sa mamamayan, nariyan nga talaga siya upang pumuno ng pagsasaalang-alang sa kalagayan sa pagtungo sa kagustuhang pagbabago. Ang kagustuhan na manggagaling sa mismong sambayanan batid ng hikayat ng indibidwal na kaalaman at pagpapapuno sa isa’t isang nagpapapuno.
Sa Unibersidad ng Pilipinas, ang kaalaman ay ang nagiging sandata ng bawat isa sa pagpupuno ng paninindigang ipinanganak ng inihandog na kalayaan sa napakaraming aspeto mula sa kauna-unahang hakbang sa naturang intitusyon. Hindi maiiwasang sumapi rito, sumali roon sa paghahanap ng sarili. Lider ang bawat isa sa tao na kaharap niya sa salamin. Sa lakas ng kasalukuyang ipinaiiral na tradisyunal na pananaw na batid ng mga nakagawiang diskurso sa Unibersidad, hindi mapipigilang bato-balaning dumikit ang paninindigan sa teorya, o kung minsan, “crash culture” na inihahatid ng mga nasabing maitutukoy na liderato. Sa halip na tumingin sa sarili at pansinin ang mga pagkakapare-parehong pananaw, sa kaibahan pa rin nakakahon ang karamihan. Kaya puwede ring sabihin na ang kalayaan pala mismo ang naglagay ng rehas sa braso. Kung ibabalik sa pamumuno, kailangang malaman ang paktor ng pagsasabuklod ng bawat isang sekta o organisasyon, opisina o kolehiyo. Magiging posible ito sa pagsasapuno sa pag-unlad ng kaalaman ng bawat isa sa isa’t isa. Himayin ang mga pagkakaiba. Gumawa ng paraan sa pagpuno sa mga alinlangan. Tiyak na ang unibersidad ay isang nagkakaisa.
Monday, August 11, 2008
Poetic License
A poem is like a song that serves as a panacea to a wounded soul, a wishsong for the late dreamers, a past for the sailors staring at the monotonous amplitudes of the sea.
Allow me to breath through these passages using our local language (a convolution of the whole)
Limot/Laya
Isang libong nilibot na kurot
batid ng pighati't pagkalimot.
Nakamit, dumamit sa sundalong
namihasa't nagngalit sa hindi
pagkamit.
Isang libong nilibot na kurot
batid ng pighati't pagkalimot.
Pinilas ag kasunduang tugon
hatid ng pag-angat, posisyon
Nakasagi, tumama sa batang
Nagahasa't binalahura bago
ang buhay kinamit.
Isang libong nilibot na kurot
batid ng paghati't pagkalumot.
Himala sa New York Street
Binaybay ng barkong SUV
ang kahabaan ng dagat semento
Masigasig na hinawakan ng pagkamulat
sa mg kadalasang sulyap, iglap
ang mga uwak na tumatangis.
Ang dala'y ligayang matumal
magarbong, kagampang pighati
Bumabatingaw, nililindol
ang sikmurang kumakahol
Napuno ang blanketang kalawakan
mga salita't titik na pinakalatasan
ng kalapating parangal
na sa pagtagos ng puso'y batid.
Hindi naging hadlang
kabilaang businang unos,
sa pansamantalng pagdaong.
Minunihan, pinakalawalan
ang kalapating kalong.
Sinamantala ang paglipad,
pagkagawi kasama ng mga uwak.
Pagbalik, inaasahan ang pagkalisan
at pagkawala ng unos, isang dagta,
isang mensahe ng pagmamahal.
After the magician wields his wand, everything subsides. Silence breaks in.
Hush.