Natagpuan ko itong mga ito sa Sent items sa aking Yahoo Mail. Bago pa maapektuhan ng sangkatutak na bugs, kailangan ko lang silang ipaskil dito.
Para sa isang matilamsik at masipat na 2010.
Kaning Baboy
si Boy Bato,
kumain ng pagkain,
Soup Number 5
walang kamuwang-muwang
sa sakit na mararamdaman
sa hating-gabing yaon.
hindi alam ni Boy Bato
siyasatin ang nilalaman,
Soup Number 5
walang kalusug-lusog
sa laman na masasaktan
sa hating-gabing yaon.
uod na gagapang
ang nasa lamang-tiyan
sanhi ng matinding dumi,
Soup Number 5
palabas mula sa katawan
sa gitna ng inuman
sa hating-gabing yaon.
mula sa laway at pawis,
si Boy Bato, maglalabas,
pabalik lang sa pinaggalingan,
dumi sa dumi,
putik sa putik,
Soup Number 5.
ang karanasan, kinahinatnan,
siya ring naging katapusan.
Tagaktak
Sa dulo ng malupit na talim,
Nag-aasam ng malalim na taimtim
Pagharap ng aninong kulimlim,
Sa buhay na desperadong inaatim.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment