Habang nakasakay ako't sumisilay sa labas ng jeep patungong Cubao, napagtanto ko na magsulat kahit sandali ng isang maikling akda sa aking napagmamalupitang selepono. Sa gitna ng mala-hanging pagtalampas ng jeep sa kanyang dinadaanan na parang wala nang bukas, nagsulat ako tungkol sa sa kanya. Ito'y pinamagatan kong:
Jeepney
Tara na,
sa jeep ng mga nasasakdal.
Bawat sigaw ng mamang barker,
rehas sa katahimikan,
ninuman.
Instrumento ng kaganyakan,
berso ng modernong kundiman.
Pinalitan na ang busina't musika;
naghahampasan.
Saysay na nalabi na lang;
pinagmumunihan,
Sa mga parang at paglaan,
ng mga halimaw na daan.
No comments:
Post a Comment