Sunday, December 7, 2008

DVD: Divisoria Daydream

Walking across endless seas with people as ripples, the sight finds shores of stores as an isolated solitude with a perception impulse. T-shirts dangling colored from green to blue to red, lands a feast in a spectators kaleidoscope vision. Bargains that continue to melt in a singular denomination that either deprive or survive the holocaust of lending and spending. Human puppetry is at its peak whenever merchants of different forms, seen or unseen, careen the internal longing to the product catalyst burning under the sweltering heat of the noon sun. Catalyst, for every stall facade starts the epidemic of deep hunger, of consummation and sheer material thought.

When one leaves, one escapes the ruin of self.

The war's sunset appears. Peace now sets in.

Saturday, December 6, 2008

Sa Pananaw ng mga Inglisero: Isang Balagtula

"Ang hindi magmahal sa kanyang sariling wika ay mas masahol pa sa isang malansang isda"  - Gat. Jose Rizal

Tugon ng isang Inglisero: 

Sa patuloy na pag-ikot ng mundo, ang Ingles ang namumutawi’t nasasaulo. Halos lahat ng posibleng aspeto, ang wikang batayan, sa Ingles nakasalo. Karamihan ng mga nasasaklaw na diskurso, hindi tuwirang matatanto kung ang wika’y sa Filipino. Ang wikang ipinamumulat ay sa mundong nagpasisiwalat. Limitado ang mapaghuhugutan, kung ang sipat ay sa pambansang wika lamang. Kung gustong makita ang kabuuan, ang turo’y sa Ingles nararapat ang basehan. Nararapat na ang salimbibig ay sa pagtinging sambayanan, tungo sa kamunduan, maghuhubog sa madla, lalo na sa kabataan. Ang matinding kadahilanan, sadya nga talaga na ang kabataan ay ang pag-asa ng bayan. Kung mamarapating sabihin, marahan lang na ating angkinin, wika munang hindi atin. Sa tawag ng panahon, marapat itong itaghoy ng bayang naghihikahos para sa minimithing kaliwanagan, kalayaan, kapayapaan.

Ang pagkamit sa mga ito’y nasasarhan ng mga klaseng ang wika’y nilalampastangan. Kung sariling wika ang gagamitin, marami ang yuyurak sa kanyang kariktan dahil sa balarilang napupuno ng kalayaan. Sa wikang Ingles, kahit karamiha’y wakang interes, nabibigyan ng displina ang mga labing napupurol sa tuwi-tuwina. Hinuhulma ng mga gramatikong pamantayan ang mga isipang sa simula’y kinakalawang. Mas tuwiran ang pagpapalawig ng kaalaman, sagad sa laman at buto ang mga nagiging batid na katuwiran. Naisasatama ang mga kamalian sa mga sipat na hindi pa naisasalin ng mga sumusulat, mga manunulat. Ayon nga sa mga dalubhasa, natatamo ang pag-asa ng isang bansa na masawata ang kumpetensiya sa lahat ng sekta sa Ingles na pananalita. 

Ang kaunlaran ay pasisinayaan ng mga kabataang makikipagtulungan gamit ang Ingles bilang makinaryang pakikipagtalastasan. Makaaahon ang republikang sa pamumuno’y patapon sa mas edukadong lipunan. Sa pamantayang ipinahihiwatig ng mundong kinagisnan, mainam na may kakayanan ang sambayanan na makipaglaban ng harapan kahit sa pakikipalitan ng salita o talakayan. Kahit na sadyang may kaliitan ang ating bansa, dambuhala naman ang ating katalentaduhan sa pagpapaksa, pakikipagpalitan ng mga kaisipan sa paggawa ng kulturang pangkamunduan. 

Batid ng edukasyon sa ganitong pamamaraan, ang kinabukasan ang makapagbabangon sa isipang purol na nagpalalawig sa kahirapan, karukhaan. Maliban sa kasasabi lamang, magsisilbing behikulo ng pagbubuklod ng mga distrito ng bawat kanto sa siyudad ng tao ang pagsasakumbensyunal nito. Kahit ang pagpapasimuno ng panibagong digmaan sa kasalukuyan, ating maiiwasan, malalabanan ng mga katagang makapanlilikha ng bantayog na makapanlalaya sa dilang tanikala.                                      

Monday, December 1, 2008

Awake

As we had gazed heavenward seeing the coincidental alignment of planets and stars to form a man-resembling figure, the sky was looking at us intently taking responsibility to what pessimists might call a hoax or to the optimists, a miracle. In our nearing pursuit of deep slumber and of meaning to cap a long day, the smiling offering had provided us with an outlet to hope and to dream for such positive occurences to come across our agitated and metropolitan-drowned minds every once in a while. Indeed, this signifies that nature is constantly trying to awaken our rock-solid sensibilities due to the loves and pains inflicted by the rush of the world, so to speak. We are being made aware of the presence of a larger life around us by which the entity called Nature exists.

So, as we open our eyes, we will be made aware of the multiplicity of the presence of life and of its many forms. We are part of the sphere.

We are now awake.