A poem is like a song that serves as a panacea to a wounded soul, a wishsong for the late dreamers, a past for the sailors staring at the monotonous amplitudes of the sea.
Allow me to breath through these passages using our local language (a convolution of the whole)
Limot/Laya
Isang libong nilibot na kurot
batid ng pighati't pagkalimot.
Nakamit, dumamit sa sundalong
namihasa't nagngalit sa hindi
pagkamit.
Isang libong nilibot na kurot
batid ng pighati't pagkalimot.
Pinilas ag kasunduang tugon
hatid ng pag-angat, posisyon
Nakasagi, tumama sa batang
Nagahasa't binalahura bago
ang buhay kinamit.
Isang libong nilibot na kurot
batid ng paghati't pagkalumot.
Himala sa New York Street
Binaybay ng barkong SUV
ang kahabaan ng dagat semento
Masigasig na hinawakan ng pagkamulat
sa mg kadalasang sulyap, iglap
ang mga uwak na tumatangis.
Ang dala'y ligayang matumal
magarbong, kagampang pighati
Bumabatingaw, nililindol
ang sikmurang kumakahol
Napuno ang blanketang kalawakan
mga salita't titik na pinakalatasan
ng kalapating parangal
na sa pagtagos ng puso'y batid.
Hindi naging hadlang
kabilaang businang unos,
sa pansamantalng pagdaong.
Minunihan, pinakalawalan
ang kalapating kalong.
Sinamantala ang paglipad,
pagkagawi kasama ng mga uwak.
Pagbalik, inaasahan ang pagkalisan
at pagkawala ng unos, isang dagta,
isang mensahe ng pagmamahal.
After the magician wields his wand, everything subsides. Silence breaks in.
Hush.